Naglabas ng Executive Order ang Malacañang para mas mapadali ang proseso sa pagbibigay ng permit sa pagtatayo o konstruksyon ng mga telecommunication at internet infrastructure sa bansa.
Batay sa pinirmahang Executive Order No. 32 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakasaad na kinakailangang makagawa ng guidelines para sa pag-iisyu ng permits, licenses at certificate para sa konstruksyon ng telecommunications at Internet infrastructures.
Ito ay upang matiyak na nagpapatuloy ang development ng bansa sa usapin ng digital infrastructure.
Batay sa EO, sakop ng direktiba ang lahat ng National Government Agencies (NGAs) maging ang government-owned o–controlled corporations, maging Local Government Units (LGUs) na involved sa pag-iisyu ng permits, licenses, clearances, certifications, at authorizations.
Kaugnay nito utos ng pangulo sa lahat ng lungsod at munisipalidad na magtayo ng one-stop shop para sa construction permits na malaking tulong sa mga aplikante.
Nakasaad pa sa EO 32 kailangang maipatupad ng lahat ng government agencies at LGU ang zero backlog policy sa lahat ng aplikasyon sa permits at licenses.
Kinakailangan rin na makapag-comply na magsumite taon-taon ng listahan ng pending applications at compliance sa Anti-Red Tape Authority.
Nakapalood rin sa EO na kailangang bumuo ng Technical Working Group (TWG) on Telecommunications and Internet Infrastructure bilang oversight body.
Ang technical working group ay pangungunahan Department of Information and Communications Technology (DICT), na may mandato naman na bumuo ng implementing rules and regulations ng EO a sa loob ng 60 araw para sa pagpapatupad ng order.