Executive order na nagtatakda ng price ceiling sa bigas, suportado ng NEDA

Nagpahayag ng suporta ang National Economic and Development Authority o NEDA ang inilabas na Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ay ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas sa 41 piso kada kilo na naglalayong labanan ang pananamantala, iligal na pagtatago, pagpupuslit at kartel o pagdidikta ng presyo sa mercado.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, sa panahon ngayon na humaharap sa matinding pagsubok ang bansa gaya ng El Niño, kinakailangang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapanatiling sapat ang suplay ng pagkain para sa mga Pilipino.


Bagaman mataas pa naman ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa ikatlong kuwarter ng taon dahil sa papalapit na anihan, naka-antabay na rin ang mga inorder na bigas para angkatin bilang pangsuporta sa kabuuan ng taon.

Tiwala ang NEDA na sa pamamagitan ng kautusang ito, mapipigilan ang pananamantala ng ilang mga negosyante na siya namang magreresulta sa pagbaba ng presyo ng bigas

Facebook Comments