Isinasapinal na ang Malacañang ang executive order na layong tugunan ang krisis sa tubig sa bansa.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang EO ang nakikita nilang solusyon habang nakabinbin pa ang panukalang pagtatatag ng Department Of Water na una nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa cabinet meeting noong April 1.
Sa ilalim ng EO, magpapatupad ang pamahalaan ng integrated approach kung saan magtutulungan ang nasa 30 ahensya ng gobyerno para mapangasiwaan ang mga pinagkukunan ng tubig ng bansa.
Nakasaad din dito ang paglikha ng master plan para matiyak na magagamit nang maayos ang water resources at maiwasan ang pagkakaroon ng water shortage.
Bukod sa epekto ng El Niño, layon din ng EO na mapangasiwaang mabuti ang tubig na makokolekta tuwing tag-ulan kung saan sobra-sobra naman ang tubig sa bansa na lumilikha ng pagbaha.
Nakapaloob din sa EO ang utos ni Pangulong Duterte na i-review ang concession agreement ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water.
Target na mailabas ang EO bago sumapit ang tag-ulan.
Samantala, tiniyak naman ni Nograles na ipa-prayoridad sa susunod na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting.