Dedma o hindi umano nasusunod ang Executive Order number 26 o ang anti-smoking reforms policy dalawang taon taon matapos itong mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Jack Sarita, managing editor Philippine Health Justice, bagsak ang ilang mga paliparan at mga LGU dahil dedma lamang ang mga nanigarilyo sa terminal.
Tinukoy ni Sarita ang Ninoy Aquino International Airport na walang inilagay na Indoor DSA o Designated Smoking Area.
Sinabi naman ni Dr. Rachel Rosario, executive director ng Philippine Cancer Society na maging ang mga LGUs ay bagsak sa implementasyon dahil hindi man lamang nakapagtatag ng Smoke free Task Force na magmomonitor sana sa mga violators.
Batay sa record ng Department of Health, isa sa pangunahing dahilan ng pagkamatay ay sanhi ng cancer dulot ng paninigarilyo.
Kahit ang mga second hand smoking o nakakasinghot lamang ng mula sigarilyo ng iba ay lantad sa risk o panganib sa kanilang kalusugan.
Iginiit ng grupo na dapat na mabisita muli ang polisiya upang hindi magkaroon ng access sa tobacco ang mga nasa edad na mababa sa disi otso anyos.