Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 156 na magtitiyak ng tuloy-tuloy at maaasahang serbisyo sa publiko ng electric services.
Ang batas ay tututok sa mga lugar na walang suplay ng kuryente at tutulong sa mga distribution utilities upang mapaunlad ang suplay ng kuryente sa bansa.
Sa ilalim ng kautusan, mismong ang Department of Energy (DOE) ang inatasang tumukoy sa mga lugar na hirap sa suplay ng kuryente.
Maghahanda rin ito ng Comprehensive Electrification Master Plan.
Para naman sa pagbuo ng patakaran, ang Energy Regulatory Commission na ang ang magpapatupad nito kung saan sasakupin ang iba pang electric service providers.
Manggagaling ang pondo ng batas sa budget ng mga ahensiyang may kinalaman dito.
Facebook Comments