Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) 174 o Expanded Career Progression System na lumilikha ng mga bagong posisyon para sa mga guro sa pampublikong paaralan gayundin ang pagtaas ng sahod nito.
Layunin ng EO na palalakasin ang professional development career and advancement sa mga public school teachers at lumikha ng bagong position titles na Teacher IV, Teacher V, Teacher VI, Teacher VII, at Master Teacher V.
Ayon sa Department of Education (DepEd), maituturing na isang “monumental policy” ang naturang kautusan na magpapalawak pa sa classroom teaching career line, at merit-based career progression opportunities ng mga guro.
Makikipag-ugnayan na rin aniya ang DepEd sa Civil Service Commission (CSC), Department of Budget and Management (DBM), at Professional Regulation Commission (PRC) para sa paggawa ng mga pamantayan ng bagong EO.
Agad namang ipatutupad ang naturang kautusan pagkatapos ma-ilathala sa Official Gazette at mga pahayagan.