Executive Order para sa lahat ng Government Agencies na may kinalaman sa tubig, binabalangkas na!  

Binabalangkas na ang executive order na layong magpatupad ng Reorganization sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa supply ng tubig.

Ito ay bilang paghahanda sa pagbuo ng Department of Water na tinatrabaho pa ng Kongreso.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kalat-kalat ang mga ahensya kaya nagtuturuan kung sino ang responsable sa kapos na supply ng tubig.


Dapat may paliwanag din ang mga Water Concessionaire kung kaya pa ba nilang gawin ang kanilang obligasyong suplayan ng tubig ang mga costumer nito.

Sa ngayon, patuloy ang ipinatutupad na Water Service Interruption sa mga sineserbisyuhan ng Maynilad at Manila Water.

Facebook Comments