Pinirmahan na ni Mayor Francisko “Isko” Moreno ang Executive Order No. 42 o ang non-mandatory wearing of face shield sa lungsod ng Maynila.
Maliban lamang sa mga hospital, medical clinic at iba pang medical facilities.
Ang nasabing kautusan ay agad na ipatutupad ngayong araw sa buong lungsod kung saan agad ding ipapadala ang kopya sa bawat establisyemento.
Napagdesisyunan ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila base na rin sa guidelines na una nang ipinalabas ng Inter- Agency Task Force (IATF) partikular ang pagpapatupad ng Alert Level 2 system sa National Capital Region (NCR).
Isa rin dito ang naging pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año kung saan sinabi mismo ng kalihim na karamihan sa mga miyembro ng IATF ay pabor na huwag nang magsuot pa ng face shield.
Kaugnay nito, hindi naman pabor ang alkalde sa panukala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa “no vax, no ayuda” dahil hindi ito patas sa ilang mga nangangailangan ng tulong sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabo pa ni Mayor Isko na mas kailangan ngayong tututukan at tulungan ang mga naghihirap at huwag idaan sa pagpapahirap o parusa ang mga tao.