Executive order para sa pagbaba ng taripa ng imported na karneng baboy, hinihinalang mali

Duda si Marikina Rep. Stella Quimbo na baka mali ang Executive Order ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagbaba sa taripa ng mga imported na karneng baboy.

Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food at Committee on Trade and Industry, nagbabala ang kongresista na hindi malabong umabot pa sa P10 billion ang lugi ng gobyerno dahil dito.

Sa imbestigasyon ay wala namang maibigay ang Department of Agriculture (DA) kung magkano na ang “tariff revenue loss” mula nang ipatupad ang EO 134 hanggang sa kasalukuyan.


Sa halip ay ang binanggit lamang ni DA Usec. Fermin Adriano, ay ang datos noong Hunyo na umabot na sa P3.4 billion ang lugi sa pagbaba ng buwis mula sa inaangkat na karneng baboy.

Dahil dito, pinuna ni Quimbo na hindi kaya mali ang EO lalo’t malaki ang nawawalang kita sa pamahalaan habang ang liit-liit naman ng epekto nito sa pagbaba ng presyo ng karneng baboy sa pamilihan.

Facebook Comments