Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang isang Executive Order para sa pagbuo ng Water Resources Management Office o WRMO.
Ito ay batay sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office o PCO.
Binuo ang WRMO sa ilalim nang pangangasiwa ng Department of Environment and Natural Resources o DENR para matutukan na mapanatili ang maayos management ng water resources sa bansa.
Batay sa pinirmahang EO NO. 22 ng pangulo, magiging partikular na trabaho ng WRMO ay tiyakin ang agarang pagpapatupad nang integrated water resources management na naayon sa United Nations Sustainable Development Goals, at gumawa ng water resources master plan.
Inatasan rin ang WRMO na makipagtulungan sa Presidential Legislative Liaison Office, para maipasa ang batas na bumubuo ng apex body katulad nang panukalang Department of Water and/or a Regulatory Commission on Water.
Ang WRMO ay pamumunuan ng isang undersecretary na ia-appoint ng pangulo batay sa rekomendasyon ng DENR secretary.