Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na dumating na sa Office of the Executive Secretary (OES) ang kopya ng ginawang Executive Order para sa nationwide smoking ban ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinarebisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOH ang nasabing EO pero kaninang umaga ay naibalik na ang draft ng EO sa OES at ngayong araw ay inaasahang lalagdaan ito ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Abella na gusto ni Pangulong Duterte na ibase ang nationwide smoking ban EO sa ipinatutupad na smoking ban sa Davao City.
Na aniya sa lalamanin ng lalagdaang EO ay ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar lalo na sa loob ng isang gusali.
Facebook Comments