EXECUTIVE ORDER SA SUSPENSYON NG PASOK TUWING MAY BAGYO, NIREPASO NG DEPED

CAUAYAN CITY – Ang Department of Education (DepEd) ay naglabas ng bagong patakaran kaugnay ng suspensyon ng klase tuwing may bagyo sa bisa ng DepEd Order No. 22, s. 2024, na nagkabisa noong Disyembre 23, 2024.

Ang patakaran ay naglalayon na gawing mas sistematiko at produktibo ang proseso ng pagkansela ng klase, habang isinasaalang-alang ang edukasyon ng mga mag-aaral.

Ang pangunahing probisyon ng bagong kautusan ay kapag nasa ilalim ng Tropical Wind Signal No. 1 ay suspendido ang klase para sa mga Kindergarten at pag Tropical Cyclone Wind Signal (TWCS) No. 2 ay walang pasok para sa mga mag-aaral hanggang Grade 10 at ang mga mag-aaral ay kailangang mag-shift sa non-face-to-face (non-f2f) modality o magsagawa ng make-up class tuwing Sabado at kapag tropical Cyclone Wind Signal (TWCS) No. 3 ay awtomatikong suspendido ang klase sa lahat ng antas sa ilalim ng DepEd.

Samantala, ang LGU ng Jones ay patuloy na inoobserbahan ang mga ulat ng panahon upang masigurado kung kailangang magpatupad ng suspensyon, may bagyo man o wala, upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.

Facebook Comments