Executive Sec. Medialdea at dating Executive Sec. Alberto Romulo, ipinapasubpoena sa Kamara

Manila, Philippines- Ipinapasubpoena ng Mababang Kapulungan sina Executive Secretary Salvador Medialdea at dating Executive Secretary ni CGMA na si Alberto Romulo.

Ang dalawa ay no show sa pagdinig ng House Committee on Bases and Conversion para sana bigyang linaw ang Executive Order 340 na inisyu noon ni dating Pangulong Gloria Arroyo na naghihiwalay sa posisyon ng Administrator at Chairman.

Inaatasan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang komite na magisyu ng subpoena para paharapin sa susunod na pagdinig ang mga hindi dumalo.


Sa hearing ay nagisa ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas si SBMA Chairman Martin Diño tungkol sa kalituhan na naidulot ng pagkakaroon ng hiwalay na administrator at chairman.

Hindi aniya maaaring higitan ng EO ang Republic 7227 kung saan sinasabi sa batas na iisa lamang ang tatayong Administrator at Chairman ng SBMA.

Lumalabas na nagdodoble ang functions para sana sa iisang posisyon dahil si Diño ang Chairman at si Wilma Eisma ang Administrator ng SBMA.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments