Executive Secretary Bersamin, haharap sa media ngayong hapon para sa update kaugnay sa utos na courtesy resignation ni PBBM

Muling haharap sa media ngayong hapon si Executive Secretary Lucas Bersamin para magbigay ng update sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na courtesy resignation sa mga miyembro ng gabinete.

Sa pulong balitaan, bagama’t may matutunog na pangalan na posibleng matanggal sa line-up ng mga gabinete, inaasahang iaanunsyo na ni Bersamin kung kaninong mga courtesy resignation ang tinaggap na ni Pangulong Marcos.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na daraan sa mahigpit na performance review ang mga opisyal ng pamahalaan at dadalhin ito sa mga head of agencies hindi lang sa mga cabinet secretaries.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi niya pinasumite ng courtesy resignation ang mga miyembro ng kaniyang gabinete para magpapogi lamang at sa halip ay para makita ang tunay na ugat ng problema sa mga ahensiya.

Facebook Comments