Executive Secretary Lucas Bersamin, naniniwalang dapat nang i-prosecute ang mga fake news peddler

Naniniwala si Executive Secretary Lucas Bersamin na dapat lang na makasuhan at mapapanagot ang mga nagpapakalat ng fake news.

Ayon kay Bersamin, marami nang nagdurusa sa matinding epekto ng pekeng balita kaya’t dapat lang na masampahan ng kaukulang kaso ang mga nagpapakalat nito.

Una nang sinabi ng Palasyo na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ay naaalarma na sa matinding pagpapakalat ng pekeng balita.


Kaya naman gumagawa na ng hakbang ang National Bureau of Investigation (NBI) para makipag-ugnayan sa Interpol para sa posibilidad na mapa-extradite maging ang mga fake news peddler na nasa ibang bansa.

Tumanggi naman si Bersamin na magbigay ng detalye tungkol dito dahil operational aniya ang nasabing usapin.

Facebook Comments