Executive Secretary Medialdea, uupong OIC habang wala ang Pangulo sa bansa

Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na maging Officer in Charge sa bansa habang siya ay nasa Vietnam para sa kanyang pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit.

Base sa special order number 993 na inilabas ng Malacanang ay inaatasan ng Pangulo ang Executive Secretary na pangasiwaan ang buong Executive Department habang siya ay wala sa Pilipinas.

Mamaya na aalis si Pangulong Duterte patungo ng Vietnam kung saan ilan lamang sa mga makakasama nito ay sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Communications Secretary Martin Andanar, Trade Secretary Ramon Lopez at iba miyembro ng gabinete.


Ang biyahe ng Pangulo sa Vietnam ay mula ngayong araw November 8 hanggang November 11 o sa darating na Sabado November 11.

Sa susunod na linggo naman ay pangungunahan ng Pangulo ang ASEAN Summit na dadaluhan ng 21 heads of states.

Facebook Comments