
Sinampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman sina Executive Secretary na si Ralph Recto at dating PhilHealth President Emmanuel Ledesma.
Nagtungo sa opisina ngayong umaga ang Save the Philippines Coalition upang isampa ang reklamo laban sa mga opisyal.
Ayon sa grupo, sasampasahan nila ng mga reklamong technical malversation, plunder, at grave misconduct ang mga nasabing opisyal kaugnay sa umano’y iligal na paglilipat ng mahigit ₱60 bilyong PhilHealth reserve funds sa national treasury.
Base sa inihaing reklamo ng grupo, ang kanilang aksyon ay nakabatay sa desisyon ng Korte Suprema noong Disyembre 5.
Kung saan nag-uutos ito na maibalik sa PhilHealth ang pondo matapos mapatunayang labag sa batas ang paglilipat nito sa pamahalaan.
Facebook Comments









