Exemption ng mga essential worker sa “No vax, No ride” Policy, kinumpirma ng LTFRB

Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang exemption ng mga manggagawa sa ipinatutupad na “No vax, No ride” Policy sa Metro Manila.

Ayon kay LTFRB-NCR Regional Director Zona Tamayo, nakapaloob ang mga manggagawa sa essential services na kabilang sa pinapayagang sumakay sa mga public transport kahit na hindi bakunado.

Gayunman, dapat silang makapag-prisinta ng mga dokumentong magpapatunay na nagtatrabaho sila sa mga essential services na pinapayagang mag-operate sa ilalim ng Alert Level 3.


Kabilang dito ang company ID o employment certificate galing sa kanilang mga employer.

Facebook Comments