Manila, Philippines – Kinumpirma ng Manila International Airport Authority na epektibo na sa Linggo, April 30 2017, ang exemption ng OFWs sa terminal fee.
Base sa memorandum of agreement sa pagitan ng MIAA at air carriers, ang OFW exemption ay ipapatupad sa lahat ng ticketing office at sales agents sa Pilipinas at sa abroad.
Kailangan lamang magpakita ng OFWs ng Overseas Employment Certificate kapag sila ay bibili ng ticket.
Tiniyak din ng MIAA na mananatili ang refund counters sa NAIA terminals hanggang sa April 2018.
Pagkalipas ng April 2018, maaari nang mag-refund ang OFWs ng terminal fee aa MIAA Collection Division sa MIAA administration building sa MIA Road, Pasay City.
Wala namang itinakdang expiration ng refund ang MIAA.
DZXL558
Facebook Comments