Exemption nina DPWH Sec. Mark Villar at DOH Sec. Francisco Duque III sa imbestigasyon sa isyu ng korapsyon, kinuwestyon ni Sen. Lacson

127

Kinuwestyon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pagpapa-exempt o pagliligtas ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar at Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa imbestigasyon kaugnay ng korapsyon.

Ito ay sa kabila ng utos ng Pangulo na bumuo ng “mega” corruption task force sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ).


Sa isang online press conference, sinabi ni Lacson na hindi naman sa sinasabi niya na sangkot sa korapsyon ang dalawang kalihim pero dapat aniya ay may basehan para hindi sila maisama sa imbestigasyon.

Sa kabila nito, kumpiyansa naman si Lacson sa trabaho ni DOJ Sec. Menardo Guevarra gaya ng ginawa nitong pag-iimbestiga sa PhilHealth.

Samantala, pinuri ni Senador Francis Pangilinan ang pagbuo ng task force pero nangangamba siya sa posibilidad na magamit ito para sampahan ng kasong gawa-gawa lang ang mga miyembro ng oposisyon.

Giit naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, walang kapangyarihan ang task force na magsampa ng kaso laban sa government officials sa sandiganbayan dahil kinakailangan ang pag-apruba dito ng Ombudsman.




Facebook Comments