MANILA – Iginiit ngayon ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na dapat ma-exempt sa bank secrecy law ang lahat ng mananalo sa eleksyon.Ito aniya ay para lubos na maisulong ang transparency sa gobyerno at mawalis ang mga corrupt o tiwali.Binigyang diin ni marcos na napakahalaga na may taglay na kredilidad ang mga mahahalal na opsiyal ng pamahalaan at makakatulong para mawaksi ang pagdududa dito kung magiging bukas sa publiko ang kanilang mga bank deposits.Kung tutuusin, ngayon ay pwede na itong simulan sa pamamagitan ng pagpapairma sa lahat ng kandidato ng waiver para sila ay hindi na masakop ng bank secrecy law.Pero hindi pabor si marcos na isama ang mga businessman o negosyante na maexempt sa bank secrecy law dahil baka aniya matakot na ang mga ito na magnegosyo sa bansa na makakaapekto sa ating ekonomiya.
Exemption Sa Bank Secrecy Law Ng Mga Elected Officials, Isinulong Ng Isang Senador
Facebook Comments