Inihain sa Kamara ang House Bill 1572 o o “Farm Fertilizer and Pesticide Tax Exemption Bill” na nag-uutos na ma-exempt o mailibre sa buwis ang lahat ng mga abono at pestesidyo na ginagamit sa produksyon ng palay, mais at tubo o asukal sa bansa.
Layunin nina Masbate 1st District Rep. Ricardo Kho at Masbate 2nd Rep. Olga Kho sa paghahain ng panukala na magpapatatag ang supply ng mga lokal na produkto at matulungan ang mga magsasaka.
Tinukoy nina Representatives Kho na ang produksyon ng palay, mais at asukal sa Pilipinas ay palagiang sandigan ng sektor ng agrikultura pero malaking problema sa mga magsasaka nito ang masyadong mataas na halaga ng abono at pestesidyo.
Tinukoy nina Kho na sa Fertilizer and Pesticide Authority, noong June 2022 ay halos P3,000 ang kada bag ng fertilizer kaya napapanahon nang tugunan ito.