Pinagtibay ng Korte Suprema ang exemption sa Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) ng mga magsisilbing Bar examiner at Bar personnel para sa 2022 Bar Examinations.
Sa Bar bulletin na inisyu ni 2022 Bar Chair at Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, nakasaad dito na exempted sa isang compliance period sa MCLE ang Bar examiners at mga tauhan ng Office of the Bar Chairperson.
Ang ibang Bar personnel ay magiging exempted sa MCLE para sa isang compliance period kung sila ay may actual service para sa apat na Bar exam days.
Puwede rin makakuha ng partial credit na siyam na units ang Bar personnel sa bawat isang Bar exam days na nagsilbi ito.
Inanunsiyo rin ng SC na waived na rin ang ilang requirements para sa lifetime membership sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para sa mga abogado na magsisilbing Bar personnel.
Partikular na waived ang 120 hours legal aid service at attendance sa isang regional o national convention ng IBP.
Itinakda naman ng SC sa Agosto 22 ang deadline para sa Bar personnel application ng mga judiciary employee at mga abogado.