Exit clearance ng undocumented at distressed OFWs sa Lebanon, minamadali na

Minamadali na rin ng Philippine Embassy sa Lebanon ang exit clearance ng undocumented at distressed Filipino workers doon.

Prayoridad din ng embahada sa repatriaton ang mga menor de edad na undocumented Pinoys sa Lebanon.

Pinakahuling napauwi ng Philippine Embassy ang 8 Pinoys na kinabibilangan ng walong adult na babae at dalawang menor de edad.


Bunga nito, umaabot na sa 4,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa ang na-repatriate ng pamahalaan sa panahon ng pandemic.

Sa ngayon, 17,000 pa ang mga Pilipino sa Lebanon.

Facebook Comments