Expanded bilateral meeting nina Pangulong Marcos at Sultan Bolkiah, sumentro sa mga pandaigdigang isyu

Sumentro sa mga mahalagang usapin ang expanded bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Sultan Hassanal Bolkiah sa unang araw ng kanyang state visit sa Brunei.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) kabilang sa mga napag-usapan ng dalawang lider ay ang estado ng relasyong bilateral ng Pilipinas at Brunei, mga isyung may kinalaman sa katatagan sa rehiyong Asya, gayundin ang climate change, bumabagsak na kondisyon ng kalikasan, at geo-political tensions.

Nabanggit din ng pangulo kay Sultan Bolkiah na nakasama siya sa biyahe ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa Brunei noong maliit pa siya at naging saksi sa malakas na ugnayan ng dalawang bansa.


Nagpasalamat din ito sa Sultan sa pagtulong nito sa tuwing may kalamidad pati na noong panahon ng COVID-19 pandemic at ang malaking papel ng Brunei sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao.

Nabatid na may 40 taong ugnayan na ang Pilipinas at Brunei at inaasahang mas tatatag pa sa mga darating na taon.

Facebook Comments