Expanded Maternity Leave Law, tagumpay para sa kababaihan

43

Manila, Philippines – Para kay Senator Risa Hontiveros, tagumpay para sa mga kababaihan, pati sa kanilang pamilya at mga anak, ang expanded maternity leave act na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Giit ni Hontiveros, ang batas ay daan para makasabay ang Pilipinas sa international standards ng tamang haba ng maternity leave.

Masaya si Hontiveros dahil magkakaroon na ng mas mahabang panahon ang mga ama at ina sa kanilang bagong silang na sanggol.

Nakakatiyak si Hontiveros na pabor din ang batas sa mga employer dahil mas magiging produktibo ang kanilang mga empleyadong ina na nakapaglaan na mas mahabang oras sa kanilang mga sanggol.

Facebook Comments