Manila, Philippines – Hindi lamang sa Metro Manila manghuhuli ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) ng mga lalabag sa “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign.
Dahil simula bukas magiging sentro din ng kanilang operasyon ang Mega Manila na kinabibilangan ng Cavite, Laguna, Bulacan, at Antipolo sa Rizal.
Ayon kay I-ACT Task Force Alamid head General Manuel Gonzales ang expanded operations sa Mega Manila ay pangungunahan ng 120 i-ACT composite team na binubuo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), at Joint Task Force-National Capital Region sa pakikipag tulungan sa mga Local Government Units (LGUs).
Paliwanag ni Gonzales ang pangunahing mandato nila ay tiyaking magiging ligtas ang riding public bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-modernize ang public transport system sa buong bansa.