Expansion ng One Hospital Command Center, tiniyak ng DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na mayroong planong palawakin o i-expand ang One Hospital Command Center para tulungan ang mga COVID-19 patients sa harap ng surge ng infections.

Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na pinalalakas ng pamahalaan ang kapasidad ng One Hospital Command para matiyak na naibibigay nito ang epektibong navigation at referral system sa mga pasyenteng may COVID-19.

Naipaabot na sa kanya ang mga reklamo hinggil sa One Hospital Command – kung saan aabot sa higit 300 tawag kada araw ang natatanggp ng pasilidad nitong mga nagdaang linggo.


Una nang sinabi ni Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega na nakakatanggap ang One Hospital Command Center ng nasa 280 hanggang 300 tawag kada araw, mataas kumpara sa average na 66 na tawag noong panahong wala pang surge ng COVID-19 cases.

Facebook Comments