Expansion sa COVID health facilities, minamadali na ng DPWH sa harap ng paglobo ng COVID cases sa bansa

Courtesy: DPWH FB

Minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang expansion ng mga healthcare infrastructure sa bansa para tumanggap ng mas marami pang COVID-19 patients.

Ayon kay Public Works Usec. Emil Sadain, kabilang dito ang ongoing building project sa East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City para sa karagdagang 250 bed capacity.

Target na matapos ang naturang proyekto sa Lunes, August 17, 2020.


Kasama rin sa may tinatapos na expansion ang Lung Center of the Philippines sa QC, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital sa Tala, Caloocan at ang Philippine General Hospital sa Maynila.

Ayon sa DPWH, bahagi ito ng second phase ng national action plan sa patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Kasama rin sa plano ang pagtatayo ng mga offsite modular hospital sa bakuran ng Lung Center of the Philippines na kayang tumanggap ng hanggang 24 na pasyenteng may moderate na kaso ng COVID-19.

Magtatayo rin ng off-site modular hospital sa Tala, Caloocan na tumatanggap naman ng mga moderate hanggang severe cases ng COVID patients.

Facebook Comments