Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ng kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang Hold Departure Order (HDO) at watch list order na inisyu sa kanya noong 2011 ni dating Justice Secretary at ngayon ay Senator Leila de Lima.
Ayon kay Atty. Laurence Arroyo, legal-counsel ni CGMA, sa simula pa lamang ay wala na talagang basehan ang HDO/WLO laban sa dating Pangulo.
Inaasahan na rin umano nila na idedeklara ng SC en banc na labag sa Konstitusyon ang ginawa noon ni de Lima.
Aniya, ito ay dahil pinilit ng DOJ na mag-isyu ng isang invalid order para pagbigyan at magpalakas sa nakaraang administrasyong Aquino na alam namang irrational sa dating Pangulong Arroyo.
Facebook Comments