Nakitaan ng ‘promising turnout’ ang anim na buwang experimentation sa compounds ng Virgin Coconut Oil (VCO) para sa COVID-19.
Ang experiment ay pinangunahan ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD).
Lumabas na 60 hanggang 90% na bumaba ang Coronavirus count sa low viral load.
Nadiskubre rin ng mga researchers na ang compounds ng VCO ay nakatutulong para sa cell survival.
Ayon kay Science Secretary Fortunato Dela Peña, kailangan pa ring magsagawa ng karagdagang experiments para malaman kung ang higher concentrations ng mga nasabing compounds ay mapapabawas ang replication rate ng virus.
“There are still alternative solutions against COVID-19 aside from vaccines. Although further investigation is needed before we develop a possible prevention or treatment option, we aim to give Filipinos hope through our ongoing local research initiatives,” ani Dela Peña.
Para naman kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng DOST-PCHRD, lumalabas sa mga eksperimento na hindi lamang kayang patayin ng VCO ang virus, pero gumagawa ito ng mekanismo para mapalakas ang immune response labna sa COVID-19.
Sa ngayon, ang DOST at ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) at University of the Philippine (UP) – Manila ay inaalam na ang kakayahan ng VCO sa pagpapataas ng immune system.
Ang magiging resulta sa VCO Clinical trials ang magiging basehan kung maaaring gamitin ito bilang adjunct therapy para sa mga pasyenteng may COVID-19.