Expertise sa emergency response, dahilan ng pagkakatalaga kay dating PNP Chief General Camilo Cascolan bilang undersecretary ng DOH

Ipinaliwanag ng dating Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan ang mga rason ng pagkakatalaga nito bilang undersecretary ng Department of Health (DOH).

Sa mensaheng ipinadala nito sa RMN DZXL, sinabi niyang nais niyang ipaalam sa mga Pilipino na ang administration, management at strategic planning ang kanyang forte na aniya’y makatutulong sa DOH.

Noong panahon aniya na unang bugso ng COVID-19 pandemic, siya ang nag-conceptualize ng COVID Task Force at ibinigay ang implementation kay dati ring PNP Chief General Guillermo Eleazar.


Siya rin daw ang nag-conceptualize ng Administrative Support to COVID Task Force o ASCOTF na kanya ring pinamunuan.

Ang dating PNP chief daw ang nagpasimula ng Chemical, Biological, Radiological, Nuclear and Explosives o CBRNE Simulation Exercise at bumuo ng Medical Reserve Force.

Dagdag pa ng opisyal, siya rin ang namahala sa MOA Arena RT-PCR testing center at namahala sa PICC at ultra-quarantine areas noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Punto ng dating PNP chief na ang pamamahala sa kalusugan ay hindi lang daw patungkol sa medical knowledge, mahalaga aniya balanse dapat ang science, management at strategies.

Facebook Comments