Experts panel, bubuoin ng CHED para alamin nag papel ng pwersa ng gobyerno sa mga unibersidad

Mag-oorganisa ang Commission on Higher Education (CHED) ng panel of expert para siyang magbibigay ng depinisyon ng ‘academic freedom’ at tutukoy sa papel ng government security forces.

Ito ang pahayag ng CHED kasunod ng pagbasura ng Department of National Defense (DND) sa kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa mga pulis at sundalo na pumasok sa mga campuses nito na walang abiso.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera, ang mga korte ang naglalatag ng pamantayan para protektahan ang free speech at academic freedom.


Pero sinabi ni De Vera na ang malayang paghahayag at pagprotekta sa interes ng estado ay dapat balanse.

Nanawagan si CHED official sa DND at UP na pag-usapan ito.

Ang CHED ay inaalok ang kanilang opisina hindi lamang sa UP at DND pero sa lahat ng public at private higher education institution para makahanap ng common ground na layong protektahan ang interes ng 3.1 million na estudyante habang itinataguyod ang academic freedom.

Facebook Comments