Iginiit ni Senator Koko Pimentel na hindi pwedeng ang expiration date ang maging basehan o argumento sa pagpupursige na mabakunahan ang mamamayan laban sa COVID-19.
Para kay Pimentel, palpak ang nabanggit na argumento para mahikayat ang publiko na magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Reaksyon ito ni Pimentel sa mungkahi na higpitan ang mga walang booster shot ng COVID-19 vaccine sa harap ng banta ng pagkalat ng Omicron XE variant.
Diin ni Pimentel, ang bakuna ay panlaban sa sakit at hindi panlaban sa expiration date.
Facebook Comments