Inihayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na ang Pilipinas pa rin ang number 1 exporter ng bansang China.
Ayon kay Xilian, noong October 2021, panglimang buwan nang nangunguna ang bansa sa exporter market ng China.
Aniya, tanging ang China Mainland at Hong Kong ang nakapag-register ng positive growth rates sa ilang Philippines’ top 7 major trading partners.
Noong Oktubre pa rin, aniya ang Philippines’ total export value tumaas sa $124.2 million.
Kung saan anya ang China (mainland at Hong Kong) ay nakapag-contribute ng $161.3 million para sa increased export value ng Pilipinas.
Dahil dito, umabot ng 130% ang contribution rate ng China sa export growth ng Bansa.
Sinabi na Xilian na kung hindi na maintain ang positive growth export ng China, hindi rin aniya tataas ang export growth ng Pilipinas.
Batay naman sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot ng $1.01 billion worth ang na-export ng bansa sa China noong Oktubre kung saan kabilang dito ang semiconductors, prutas at iba pang commodities.