Expose ni dating BOC Intelligence Officer Jimmy Guban, mariing itinanggi nina Rep. Duterte, Benny Antiporda at Paul Gutierez

Binigyang diin ni Davao City 1st Distrtict Rep. Paolo Pulong Duterte, na hindi sila magkakilala ni dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban at wala rin silang naging anumang transaksyon o ugnayan kaya walang rason na ito ay pagbantaan niya kung babanggitin ang pangalan niya hinggil sa iligal na droga.

Para kay Duterte, hindi nararapat na ituring na “star witness” si Guban dahil sinungaling ito at klaro na walang kredibilidad kaya na-contempt noon ng Senate blue ribbon committee.

Bunsod nito ay nais ni Duterte na makita ang sinumpaang salaysay ni Guban upang mapag-aralan ng kaniyang mga abogado.


Iginiit naman ni dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, puro kasinunalingan at hindi suportado ng mga ebidensya ang mga pahayag ni Guban.

Ayon kay Antiporda, hindi niya kilala si Guban at hindi rin niya personal na kakilala sina Michael Yang, Mans Carpio at Polong at walang pagkakaton na nakipag-ugnayan siya sa mga ito.

Diin pa ni Antiporda, kung nasusuklam siya sa korapsyon ay higit sa ilegal na droga.

Naniniwala naman si Presidential Task Force On Media Security Undersecretary Paul Gutierez na ang mga sinabi ni Guban ay kasinungalingan at isinubo lang sa kanya.

Sina Duterte, Antiporda at Gutierez ay isinasangkot ni Guban sa 6.8 billion pesos na halaga ng shabu na laman ng magnetic lifters na nakalusot sa Manila International Container Terminal noong 2018.

Facebook Comments