Expressway sa Arkansas, USA – mistulang inulan ng pizza

26

Amerika – Nagmistulang toppings ang daan-daang pizza na tumilapon sa expressway ng Arkansas, USA.

Ito ay matapos na aksidenteng bumangga ang isang delivery truck na may lamang halos isang libong pepperoni pizza sa harang na bakal sa gitna ng kalsada.

Wala namang nasugatan sa insidente pero sinara ang kalsada ng apat na oras para linisin ang mga nagkalat na pepperoni pizza.

Sa kabila nito, sinigurado naman ng pizza parlor na nag-mamay-ari ng nasabing truck sa kanilang mga customer na hindi sila magkukulang ng supply.

Facebook Comments