EXTEND | Senior High School Voucher Application, pinalawig pa ng DepEd hanggang katapusan ng buwan

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na palalawigin hanggang katapusan ng buwan ang Senior High School Voucher Program (SHS VP) application para sa school year 2018-2019

Sa abiso ng DepEd, sa mga hindi pa nakakapag-apply o nakapagsumite ng hindi kumpletong dokumento ay maaring mag-aplay sa ovap.deped.gov.ph na nagsimula na nitong Martes (April 3) na magtatagal hanggang April 27.

Ang mga voucher ng mga nakapag-apply mula December 2017 hanggang February 2018 ay inilabas na at makikita online.


Ang SHS VP application ay para sa mga grade 10 completers na nais ipursige ang kanilang SHS education sa mga non-DepEd schools partikular sa mga pribadong eskwelahan, kolehiyo o unibersidad.

Facebook Comments