EXTENDED | Amnesty program ng Kuwaiti government, pinalawig

Manila, Philippines – Pinalawig pa ng Kuwait government ang kanilang amnesty program hanggang April 22.

Ito ay para payagan na makalabas ng Kuwait ang mga undocumented at overstaying foreign worker, kabilang ang mga Pinoy.

Sa Feb. 22 kasi sana ang nakatakdang pagsasara ng isang buwang amnesty program ng Kuwait.


Una nang tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na makakatanggap naman ang mga repatriated OFW ng livelihood assistance na P20,000 at P5,000 cash mula sa pamahalaan.

Nabatid na nasa 2,000 mula sa 10,000 undocumented na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait ang nakauwi na sa Pilipinas.

Facebook Comments