EXTENDED | Deadline sa mga jeepney driver, operator para makatugon sa PUV Modernization, pinalawig

56

Manila, Philippines – Ipinagpaliban ng Department of Transportation (DOTr) ang deadline ng pagpapalit ng mga pampasaherong jeep sa Marso 2019.

Ito ay matapos aminin ni LTFRB Chairman Martin Delgra na hindi nagbigay ng konsultasyon ang pamahalaan kaya nalilito ang mga driver kung ano ang gagawin.

Ayon kay Senate Committee on Public Services Chairman Senador Grace Poe, inirekomenda nilang huwag madaliin ang phase-out ng mga jeepney hangga’t hindi malinaw ang requirement nila.

Tiniyak naman ni Poe na makikipag-usap siya sa lahat ng transport group na huwag ituloy ang tigil-pasada dahil mas maraming mamamayan tulad ng manggagawa at estudyante ang mahihirapan.

Facebook Comments