EXTENDED | Isang taong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, inirekomenda

Irerekomenda na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Malacañang ang pagpapalawig pa ng isang taong martial law sa Mindanao.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, isusumite pa lamang nila ngayong araw kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kanilang rekomendasyon.

Aniya, pinagbatayan nila ang rekomendasyong pagpapalawig pa ng martial law sa Mindanao ay dahil sa patuloy pa rin nagaganap na pagsabog at sagupaan sa Mindanao partikular sa Sulu at Basilan.


Maging ang kagustuhan din aniya ng mga local chief executives, Commission on Election (Comelec) at iba pang government agencies.

Nilinaw naman ni Galvez na hindi nila irerekomenda ang expansion ng martial law sa ibang lugar sa bansa, sa halip mananatili sa Mindanao ang pagpapalawig ng martial law.

Ngayong buwan naman ay matatapos na ang isang taong umiiral na martial law sa Mindanao.

Facebook Comments