Manila, Philippines – Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Makati na extended ang deadline sa pagbabayad ng business at real property tax sa Makati hanggang January 31, habang ang assessment ay na-extend hanggang January 25 lamang.
Ito ay matapos aprubahan ng sangguniang panlungsod ng Makati ang City Ordinance No. 2018-001 na nagpapalawig sa orihinal na deadline para sa assessment at payment ng business at realty taxes.
Nais bigyan ng pamahalaang lungsod ng pagkakataon ang mga may-ari ng negosyo at lupain sa lungsod na makapagbayad nang walang penalty at surcharge.
Hinimok naman ng pamahalaang lokal ang mga taxpayer na huwag nang hintayin pa ang ikalawang deadline upang makaiwas sa mahabang pila at pakikipagsiksikan, na karaniwang nangyayari kapag nagdagsaan ang mga taxpayer sa pinakahuling araw na itinakda.
Sa bisa ng naturang ordinansa, ang deadline ng assessment ng business permits na walang penalty ay sa January 25, 2018 na, habang ang pagtanggap ng payments para sa business licenses na walang penalty ay sa January 31, 2018, mula 8am hanggang 5pm lamang.
Ang mga late payment ay papatawan ng 25 percent surcharge at two percent penalty buwan-buwan hanggang sa mabayaran ang buong halaga.