Manila, Philippines – Posibleng irekomenda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay AFP Chief of Staff, General Carlito Galvez Jr. – ang hiling na extension ay galing na rin mismo sa mayorya ng Local Government Units (LGUs).
Aniya, gusto ng mga local official sa Mindanao na matiyak na malinis ang rehiyon mula sa mga teroristang grupo na naghahatid lamang ng gulo at takot sa mga residente.
Base sa initial assessment ng AFP, ang extension ay magkakaroon ng positibong epekto tulad ng security at economic development.
Iginiit din ng AFP na ang suporta ng mga lokal na pamahalaan sa martial law sa Mindanao ay patuloy na nakakatulong ito sa kanilang komunidad.
Ipinunto rin ng AFP na ang mga kritiko at duda sa martial law ay nanggagaling sa Manila at labas ng Mindanao na siyang hindi nakararanas ng implementasyon nito.
Ang rekomendasyong martial law extension ay pagdedesisyunan sa lalong madaling panahon kapag natapos na ang kanilang assessment.