EXTENDED | Pinalawig ang deadline sa pagsusumite ng mga party list groups ng kanilang manifestation para sumali sa 2019 midterm elections

Manila, Philippines – Pinalawig pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang deadline sa pagsusumite ng party list groups ng kanilang manifestations of intent na sumali sa 2019 midterm elections.

Batay sa COMELEC resolution no. 10313, mula sa April 30 ay ginawa ng May 2 ang palugid sa paghahain ng petitions for registration at manifestations of intent to participate.

Hindi malinaw kung bakit nagpatupad ang COMELEC ng extension sa deadline.


Nabatid noong 2016, nasa 115 accredited party list groups ang pinayagang makasali sa partylist elections.

Mula sa 115 sumaling grupo, 46 dito ay nakakuha ng 59 party list seats sa kamara.

Facebook Comments