EXTENDED? | Rehabilitasyon ng Boracay, posibleng abutin pa ang 2019 ayon sa Budget Secretary Benjamin Diokno

Aklan – Posibleng abutin pa ng taong 2019 ang rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ito ay dahil may ilang proyekto na maaring abutin ng hanggang sa susunod na taon bago matapos dahil mangangailangan ang ilan dito ng budget allocation.

Inihalimbawa ng kalihim bilang long-term project ang relocation ng ilang informal settlers sa isla.


Pero, tiniyak ni Diokno na hindi na palalawigin pa ang six-month closure ng isla para sa mga turista.

Aniya, posibleng sasagarin nila ang anim na buwang timeline o mas mapaaga pa para ma-accommodate sa isla ang mga turista.

Facebook Comments