Iminungkahi ni Defense Sec. Carlito Galvez Jr., na gawing ‘Extended tenure of service ‘ na lamang sa halip na gamitin ang terminong ‘fixed term’ sa panukalang pag-amyenda sa Republic Act 11709 o nagtatakda ng tatlong taong fixed term sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Galvez, inirekomenda nila ang terminong ‘fixed term’ at palitan ng ‘Extended tenure of service ‘ para maging flexible ang career management ng mga matataas na opisyal ng Sandatahang Lakas.
Paliwanag ng kalihim, kadalasan kasi ng mga opisyal na nasa mataas na pwesto ay mayroong hindi bababa sa isang taon na natitira sa kanilang career bago sila magretiro kaya’t maaaring gamitin ng pangulo ng bansa ang kanyang kapangyarihan para palawigin pa ang termino nito ng walang nilalabag na batas.
Aniya, maganda ang magiging flexibility oras na maamyendahan ang naturang batas dahil hindi malilimitahan o maaalis ang kapangyarihan ng pangulo na mag-alis ng opisyal ng militar.
Matatandaang, nauna nang nagpahayag ng suporta si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pag-amyenda sa naturang batas at tiniyak na suportado rin ito ng Senado.