Extended voters’ registration para sa 2022 election, aarangkada na ngayong araw

Aarangkada na muli ngayong araw ang pagpaparehistro ng mga botante para sa 2022 election na magaganap hanggang sa ika-30 ng Oktubre.

Tugon ito ng Commission on Election (Comelec) sa mga humihirit na palawigin ang panahon ng pagpaparehistro at pagtalima sa panukalang-batas na itinulak ng mga mambabatas at pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tulad ng regular na rehistrasyon, itutuloy ang registration sa mga first time voter, re-activation sa mga hindi nakaboto sa nakaraang dalawang halalan, magpapa-transfer, correction ng entries at magpapalit ng pangalan.


Payo naman ng Comelec sa mga magtutungo sa lugar na rehistrasyon, tignan muna online kung ano ang panuntunang ipinatutupad ng mga Comelec offices sa bawat distrito.

Maaaring tumawag sa Comelec sa 0927-559-5926 o bumisita sa kanilang official facebook page na comelec.ph.

Facebook Comments