Extension at rehabilitation project ng EDCA site sa Basa Air Base sa Pampanga, pasisinayaan ngayong March 20

Pasisinayaan sa March 20 ang airstrip extension and rehabilitation project sa Enhanced Defense Cooperation Agreement site sa Basa Air Base sa Pampanga.

Sa isang panayam kay US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, kabilang ito sa higit apat na bilyong pisong proyekto ng Amerika sa mga military facilties ng Pilipinas na pupuwedeng gamitin sa ilalim ng defense mutual treaty.

Ayon kay Carlson, layon ng proyekto na magamit ang airstrip sa magandang pag-landing ng mga eroplano.


Samantala, hindi naman ito nagbigay ng anumang detalye sa lokasyon ng bagong apat na EDCA sites na itatayo sa bansa.

Pero ayon sa Ambassador, pinili ang lokasyon ng mga ito bunsod ng ilang kadahilanan habang pinawi naman nito ang pangamba ng mga lokal na opisyal na magdudulot ito ng banta sa kanilang mga residente.

Facebook Comments