Extension ng martial law, hindi na kailangan kung matatapos sa loob ng 15 araw ang gulo sa Marawi

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Deputy Minority Leader Senator Bam Aquino na hindi na kakailanganin pa na palawigian ang martial law sa buong Mindanao hanggang limang taon.

Ang pahayag ni Aquino matapos sabihin ni Pangulong Rdorigo Duterte na matatapos na a krisis sa Marawi sa loob ng 10 hanggang 15 araw.

Ayon kay Aquino, kung mangyayari ang sinabi ng Pangulo ay wala ng magigiging dahilan para sa extension ng martial law sa Mindanao.


Hindi naman aniya dapat umiral ang batas militar habang isiansagawa ang rehabilitasyon sa Marawi na siyang inatake ng Maute Terror Group.

Gayunpaman, nais pa rin ni Aquino na magkaroon ng briefing sa mga Senador ang security officials ng gobyerno para maging malinaw sa kanila ang totoong sitwasyon ngayn sa Marawi City.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments