Manila, Philippines – Ipinasasantabi ng ilang mga kongresista ang plano ng AFP na pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice,myembro ng Magnificent 7 sa Kamara, hindi solusyon ang batas militar para tugisin ang iba pang teroristang grupo sa rehiyon tulad ng BIFF at Abu Sayyaf Group.
Giit ni Erice, dapat ay laging `last option` ang batas militar bilang solusyon sa terorismo sa bansa.
Bagamat pinakamadaling solusyon ang martial law, napakalaki naman ang singil nito sa mga pinsalang maaaring iwan tulad ng nangyari sa Marawi.
Dagdag naman ni Akbayan Rep.Tom Villarin, nigiging habit na ng Pangulo ang pagpapatupad ng martial law na tila isa nang authoritarian rule.
Hindi aniya dapat payagan ito ng taumbayan dahil kinukunsinti lamang ang pangulo na lawakan ang kapangyarihan at abusuhin ang konstitusyon.